Feeds:
Posts
Comments

On the road to Emmaus. 

Luke  24:13-35

That very day, the first day of the week, two of Jesus’ disciples were going to a village seven miles from Jerusalem called Emmaus, and they were conversing about all the things that had occurred. And it happened that while they were conversing and debating, Jesus himself drew near and walked with them, but their eyes were prevented from recognizing him. He asked them, “What are you discussing as you walk along?” They stopped, looking downcast. One of them, named Cleopas, said to him in reply, “Are you the only visitor to Jerusalem who does not know of the things that have taken place there in these days?” And he replied to them, “What sort of things?” They said to him, “The things that happened to Jesus the Nazarene, who was a prophet mighty in deed and word before God and all the people, how our chief priests and rulers both handed him over to a sentence of death and crucified him. But we were hoping that he would be the one to redeem Israel; and besides all this, it is now the third day since this took place.

Some women from our group, however, have astounded us: they were at the tomb early in the morning  and did not find his body; they came back and reported that they had indeed seen a vision of angels who announced that he was alive. Then some of those with us went to the tomb and found things just as the women had described, but him they did not see.” And he said to them,  “Oh, how foolish you are! How slow of heart to believe all that the prophets spoke! Was it not necessary that the Christ should suffer these things and enter into his glory?”

Then beginning with Moses and all the prophets, he interpreted to them what referred to him in all the Scriptures. As they approached the village to which they were going, he gave the impression that he was going on farther. But they urged him,  “Stay with us, for it is nearly evening and the day is almost over.” So he went in to stay with them. And it happened that, while he was with them at table, he took bread, said the blessing, broke it, and gave it to them.

 With that their eyes were opened and they recognized him, but he vanished from their sight. Then they said to each other,“Were not our hearts burning within us while he spoke to us on the way and opened the Scriptures to us?”

So they set out at once and returned to Jerusalem where they found gathered together the eleven and those with them who were saying, “The Lord has truly been raised and has appeared to Simon!”

Then the two recounted  what had taken place on the way and how he was made known to them in the breaking of bread.

Sa Daan Patungong Emaus

Lucas 24:13-35

 13Narito, dalawa sa kanila ay pumunta nang araw ding iyon sa isang nayon na tinatawag na Emaus. May mahigit sa labing-isang kilometro ang layo nito sa Jerusalem. 14Sila ay nag-uusap sa isa’t isa patungkol sa lahat ng mga bagay na ito na nangyari. 15Habang sila ay nag-uusap at nagtatalo, nangyari na si Jesus ay lumapit at sumama sa kanila. 16Ang kanilang mga mata ay pinapanatiling hindi makakilala sa kaniya. 17Sinabi niya sa kanila: Ano ang pinaguusapan ninyo habang kayo ay naglalakad at malungkot ang inyong mukha?

  18Ang isa na nagngangalang Cleopas ay sumagot. Sinabi niya: Ikaw lang ba ang tanging naninirahang pansamantala sa Jerusalem na hindi nakaalam ng nangyari sa mga araw na ito? 19Sinabi niya sa kanila: Anong mga bagay? Sinabi nila sa kaniya: Ang mga bagay na patungkol kay Jesus na taga-Nazaret. Siya ay isang propeta. Sa harap ng Diyos at lahat ng mga tao siya ay makapangyarihan sa gawa at salita. 20Siya ay ibinigay ng mga pinunong-saserdote at ng mga pinuno namin upang hatulang mamatay at ipako sa krus. 21Ngunit umaasa kami na siya ang tutubos sa Israel. Bukod sa mga bagay na ito, ngayon ang ikatlong araw mula nang mangyari ang mga bagay na ito. 22Higit pa rito, nagtaka kami sa sinabi sa amin ng ilan sa mga kasama naming babae. Pumunta sila nang maaga sa libingan. 23Sila ay pumunta sa amin nang hindi nila nakita ang katawan ni Jesus. Sinabi rin nila na sila ay nakakita ng isang pangitain ng mga anghel. Ang mga anghel ay nagsabi: Siya ay buhay. 24Ang ilan sa mga kasama namin ay pumunta sa libingan. Nakita nila ang tulad ng sinabi ng mga babae ngunit hindi nila nakita si Jesus. 25Sinabi ni Jesus sa kanila: Kayo ay mga hindi nakakaunawa at hindi makapaniwala agad sa lahat ng mga sinabi ng mga propeta. 26Hindi ba kinakailangang dumanas ang Mesiyas ng mga bagay na ito at pumasok sa kaniyang kaluwalhatian? 27Ipinaliwanag niya sa kanila sa lahat ng mga kasulatan ang mga bagay patungkol sa kaniyang sarili. Ipinaliwanag niya ito simula sa aklat ni Moises hanggang sa aklat ng lahat ng mga propeta. 28Sila ay papalapit na sa kanilang pupuntahan at siya ay waring pupunta pa sa malayo. 29Siya ay pinilit nila at sinabi: Manatili ka na muna sa amin sapagkat gumagabi na at patapos na ang araw. At siya ay pumasok upang manatiling kasama nila. 30At nangyari, na sa kaniyang pagdulog sa hapag-kainan na kasama nila, kinuha niya ang tinapay at pinagpala. Pagkaputol niya nito, ibinigay niya ito sa kanila. 31At nabuksan ang kanilang mga mata at nakilala nila siya. At siya ay naglaho mula sa kanila.32Sinabi nila sa isa’t isa: Hindi ba nag-aalab ang ating mga puso habang kinakausap niya tayo sa daan? Hindi ba nag-aalab ito habang ipinaliliwanag niya sa atin ang mga kasulatan?

33At nang oras ding iyon, bumangon sila at bumalik sa Jerusalem. Nasumpungan nilang sama-samang nagkakatipon ang labing-isang alagad at ang kanilang mga kasama. 34Sinabi nila: Tunay na ang Panginoon ay bumangon at nagpakita kay Simon. 35Isinalaysay nila ang mga bagay na nangyari sa daan at kung papaano nila siya nakilala sa pagputul-putol ng tinapay.

“Blessed are those who have not seen and have believed.”

John 20:19-31

On the evening of that first day of the week, when the doors were locked, where the disciples were, for fear of the Jews,
Jesus came and stood in their midst and said to them, “Peace be with you.”

When he had said this, he showed them his hands and his side. The disciples rejoiced when they saw the Lord.
Jesus said to them again,

“Peace be with you. As the Father has sent me, so I send you.”
And when he had said this,

he breathed on them and said to them,
“Receive the Holy Spirit. Whose sins you forgive are forgiven them, and whose sins you retain are retained.”

Thomas, called Didymus, one of the Twelve, was not with them when Jesus came. So the other disciples said to him, “We have seen the Lord.”
But he said to them,
“Unless I see the mark of the nails in his hands and put my finger into the nailmarks and put my hand into his side, I will not believe.”

Now a week later his disciples were again inside and Thomas was with them. Jesus came, although the doors were locked,and stood in their midst and said,

“Peace be with you.”

Then he said to Thomas,

“Put your finger here and see my hands, and bring your hand and put it into my side, and do not be unbelieving, but believe.”
Thomas answered and said to him,

“My Lord and my God!”
Jesus said to him,

“Have you come to believe because you have seen me?
Blessed are those who have not seen and have believed.”

Now, Jesus did many other signs in the presence of his disciples that are not written in this book. But these are written that you may come to believe that Jesus is the Christ, the Son of God, and that through this belief you may have life in his name.

Pinagpala sila na hindi nakakita ngunit sumampalataya.

Juan 20:19-31

19 Kinagabihan ng araw ding iyon, na unang araw ng sanlinggo, nagtipon ang mga alagad. Ipininid nila ang mga pinto dahil sa takot nila sa mga Judio at dumating si Jesus at tumayo sa kanilang kalagitnaan. Sinabi sa kanila: Kapayapaan ang sumainyo. 20 Pagkasabi niya nito, ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at kaniyang tagiliran. Kaya nga, nagalak ang mga alagad nang makita nila ang Panginoon.

21 Sinabi ngang muli ni Jesus sa kanila: Kapayapaan ang sumainyo. Kung papaano ako isinugo ng Ama, gayundin, isinusugo ko kayo. 22 Pagkasabi niya nito, hiningahan niya sila at sinabi sa kanila: Tanggapin ninyo ang Banal na Espiritu. 23 Ang kaninumang mga kasalanan na inyong pinatatawad ay ipinatatawad iyon sa kanila. Ang kaninumang mga kasalanan na hindi ninyo pinatatawad, ang mga ito ay hindi pinatatawad.

24 Si Tomas na isa sa labindalawang alagad ay tinatawag na Kambal. Hindi nila siya kasama nang dumating si Jesus.25 Sinabi nga ng ibang mga alagad sa kaniya: Nakita namin ang Panginoon.

Sinabi niya sa kanila: Malibang makita ko ang tanda ng mga pako sa kaniyang mga kamay at mailagay ko ang aking mga daliri roon, at maipasok ko ang aking kamay sa kaniyang tagiliran, kailanman ay hindi ako maniniwala.

26 Makalipas ang walong araw, ang mga alagad ay nasa loob muli ng bahay at kasama nila si Tomas. Kahit na nakapinid ang mga pinto dumating si Jesus at tumayo sa gitna nila. At sinabi niya: Kapayapaan ang sumainyo.27 Pagkatapos noon, sinabi niya kay Tomas: Ilagay mo ang iyong daliri rito at tingnan mo ang aking mga kamay. Iabot mo ang iyong kamay rito at ipasok sa aking tagiliran. Huwag ka nang mag-alinlangan, kundi sumampalataya ka.

28 Sumagot si Tomas at sinabi sa kaniya: Aking Panginoon at aking Diyos.

29 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Tomas, sumampalataya ka dahil nakita mo ako. Pinagpala sila na hindi nakakita ngunit sumampalataya.

30 Marami pang ibang mga tanda ang ginawa ni Jesus sa harapan ng kaniyang mga alagad. Ang mga ito ay hindi nasusulat sa aklat na ito. 31 Ngunit ang mga ito ay sinulat upang kayo ay sumampalataya na si Jesus ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos. At ang mga ito ay sinulat upang pagkatapos ninyong sumampalataya ay magkaroon kayo ng buhay sa pamamagitan ng kaniyang pangalan.

John 11:3-7,  20-27, 33B-45

The sisters of Lazarus sent word to Jesus, saying,
“Master, the one you love is ill.”
When Jesus heard this he said,
“This illness is not to end in death,
but is for the glory of God,
that the Son of God may be glorified through it.”
Now Jesus loved Martha and her sister and Lazarus.
So when he heard that he was ill,
he remained for two days in the place where he was.
Then after this he said to his disciples,
“Let us go back to Judea.”

When Jesus arrived, he found that Lazarus
had already been in the tomb for four days.
When Martha heard that Jesus was coming,
she went to meet him;
but Mary sat at home.
Martha said to Jesus,
“Lord, if you had been here,
my brother would not have died.
But even now I know that whatever you ask of God,
God will give you.”
Jesus said to her,
“Your brother will rise.”
Martha said,
“I know he will rise,
in the resurrection on the last day.”
Jesus told her,
“I am the resurrection and the life;
whoever believes in me, even if he dies, will live,
and everyone who lives and believes in me will never die.
Do you believe this?”
She said to him, “Yes, Lord.
I have come to believe that you are the Christ, the Son of God,
the one who is coming into the world.”

He became perturbed and deeply troubled, and said,
“Where have you laid him?”
They said to him, “Sir, come and see.”
And Jesus wept.
So the Jews said, “See how he loved him.”
But some of them said,
“Could not the one who opened the eyes of the blind man
have done something so that this man would not have died?”

So Jesus, perturbed again, came to the tomb.
It was a cave, and a stone lay across it.
Jesus said, “Take away the stone.”
Martha, the dead man’s sister, said to him,
“Lord, by now there will be a stench;
he has been dead for four days.”
Jesus said to her,
“Did I not tell you that if you believe
you will see the glory of God?”
So they took away the stone.
And Jesus raised his eyes and said,
“Father, I thank you for hearing me.
I know that you always hear me;
but because of the crowd here I have said this,
that they may believe that you sent me.”
And when he had said this,
He cried out in a loud voice,
“Lazarus, come out!”
The dead man came out,
tied hand and foot with burial bands,
and his face was wrapped in a cloth.
So Jesus said to them,
“Untie him and let him go.”

Now many of the Jews who had come to Mary
and seen what he had done began to believe in him.

Juan 11:3-7,  20-27, 33B-45

Ang mga kapatid na babae ni Lazaro ay nag sugo upang sabihin kay Jesus: Panginoon, narito, si Lazaro na iyong minamahal ay maysakit.

Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya: Ang karamdamang ito ay hindi para sa layunin ng sa kamatayan kundi para sa kaluwalhatian ng Diyos. Sa gayon ang Anak ng Diyos ay maluwalhati sa pamamagitan nito. Si Marta at ang kaniyang kapatid na babae at si Lazaro ay inibig nga ni Jesus. Nang marinig nga niyang maysakit si Lazaro ay nanatili siya ng dalawang araw sa pook na kaniyang kinaroroonan.

Kaya pagkatapos nito ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad: Pumunta tayong muli sa Judea.

20 Pagkarinig ni Marta na si Jesus ay dumarating sinalubong niya siya. Si Maria ay nakaupo sa loob ng bahay.

21 Sinabi nga ni Marta kay Jesus: Panginoon, kung naririto ka sana ay hindi namatay ang aking kapatid. 22 Alam ko na kahit ngayon anuman ang hingin mo sa Diyos, ito ay ibibigay sa iyo ng Diyos.

23 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ang iyong kapatid ay muling babangon.

24 Sinabi ni Marta sa kaniya: Alam ko na siya ay muling babangon sa pagkabuhay na mag-uli sa huling araw.

25 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ako ang pagkabuhay na mag-uli at ang buhay. Siya na sumasampalataya sa akin bagamat siya ay mamamatay, siya ay mabubuhay. 26 Ang bawat isang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailanman. Sinasampalatayanan mo ba ito?

27 Sinabi niya sa kaniya: Opo, Panginoon. Sumasampalataya ako na ikaw ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos na darating sa sanlibutan.

33 Nakita ni Jesus na siya at ang mga Judiong sumama sa kaniya ay tumatangis. Siya ay namighati sa espiritu at naguluhan. 34 Sinabi niya: Saan ninyo siya inilagay?

Sinabi nila sa kaniya: Panginoon, halikayo at tingnan ninyo.

35 Si Jesus ay tumangis.

36 Sinabi nga ng mga Judio: Tingnan ninyo kung gaano niya siya kamahal.

37 Sinabi ng ilan sa kanila: Ang taong ito ang nagmulat ng mga mata ng bulag. Wala ba siyang magagawa upang hindi mamatay ang taong ito?

38 Si Jesus, na muling namighati ang kalooban, ay pumunta nga sa libingan. Ang libingan ay isang yungib na natatakpan ng bato. 39 Sinabi ni Jesus: Alisin ninyo ang bato.

Si Marta na kapatid ng namatay ay nagsabi sa kaniya: Panginoon, sa oras na ito ay mabaho na siya sapagkat apat na araw na siyang patay.

40 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Hindi ba sinabi ko sa iyo na kung ikaw ay sasampalataya, makikita mo ang kaluwalhatian ng Diyos?

41 Inalis nga nila ang bato sa dakong pinaglagyan nila ng patay. Tumingala si Jesus at nagsabi: Ama, pinapasalamatan kita na ako ay dininig mo. 42 Alam ko na ako ay lagi mong dinirinig. Sinabi ko ito alang-alang sa mga taong nakatayo sa paligid. Ito ay upang sila ay sumampalataya na ikaw ang nagsugo sa akin.

43 Nang masabi na niya ito, sumigaw siya ng may malakas na tinig: Lazaro, lumabas ka! 44 Lumabas ang patay. Ang kaniyang mga kamay at mga paa ay natatalian ng telang panlibing. Ang kaniyang mukha ay nababalot ng isang panyo.

Sinabi ni Jesus sa kanila: Kalagan ninyo siya at pabayaan siyang yumaon.

45 Marami nga sa mga Judio na pumunta kay Maria ang nakakita sa mga bagay na ginawa ni Jesus. Dahil dito, sila ay sumampalataya sa kaniya.

Pagbabagong anyo ni Hesus

Mateo 17:1-9

 1Pagkaraan ang anim na araw, isnama ni Jesus sina Pedro at Santiago, at si Juan na kaniyang kapatid. Dinala niya silang bukod sa isang mataas na bundok.  2Nagbagong-anyo siya sa harap nila. Nagliwanag ang kaniyang mukha na parang araw. Pumuti ang kaniyang mga damit na gaya ng busilak ng liwanag.3Narito, biglang nagpakita sa kanila sina Moises at Elias na nakikipag-usap sa kaniya.  4Sinabi ni Pedro kay Jesus: Panginoon, mabuti para sa amin na kami ay naririto. Kung ibig mo, gagawa kami rito ng tatlong kubol. Isa ang para sa iyo, isa kay Moises at isa kay Elias.

5Habang nagsasalita pa siya, narito, nililiman sila ng isang maningning na ulap. Narito, may isang tinig na buhat sa ulap na nagsasabi: Ito ang pinakamamahal kong Anak na labis kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya.   

 6Nang marinig ito ng mga alagad, napasubsob sila sa lupa at sila ay lubhang natakot. 7Lumapit si Jesus at hinipo niya sila. Sinabi niya: Tumayo kayo at huwag kayong matakot. 8Nang tumingin sila sa paligid, wala silang ibang nakita kundi si Jesus lamang.

 9Habang bumababa sila sa bundok, iniutos sa kanila ni Jesus na sinabi: Huwag ninyong sabihin kaninuman ang pangitaing ito hanggang sa muling mabuhay mula sa mga patay ang Anak ng Tao.   

Jesus’ Transfiguration   

Matthew 17:1-9

Jesus took Peter, James, and his brother, John,  and led them up a high mountain by themselves.  And he was transfigured before them;  his face shone like the sun  and his clothes became white as light. And behold, Moses and Elijah appeared to them, conversing with him. Then Peter said to Jesus in reply,  “Lord, it is good that we are here. If you wish, I will make three tents here,  one for you, one for Moses, and one for Elijah.” While he was still speaking, behold, a bright cloud cast a shadow over them,  then from the cloud came a voice that said,
“This is my beloved Son, with whom I am well pleased; listen to him.”
When the disciples heard this, they fell prostrate and were very much afraid. But Jesus came and touched them, saying, “Rise, and do not be afraid.”
And when the disciples raised their eyes,  they saw no one else but Jesus alone. As they were coming down from the mountain, Jesus charged them, “Do not tell the vision to anyone  until the Son of Man has been raised from the dead.”

Jesus was Tempted by the Devil

Matthew 4:1-11

At that time Jesus was led by the Spirit into the desert
to be tempted by the devil.
He fasted for forty days and forty nights,
and afterwards he was hungry.
The tempter approached and said to him,
“If you are the Son of God,
command that these stones become loaves of bread.”
He said in reply,
“It is written:
One does not live on bread alone,
but on every word that comes forth
from the mouth of God .”

Then the devil took him to the holy city,
and made him stand on the parapet of the temple,
and said to him, “If you are the Son of God, throw yourself down.
For it is written:
He will command his angels concerning you
and with their hands they will support you,
lest you dash your foot against a stone. ”
Jesus answered him,
“Again it is written,
You shall not put the Lord, your God, to the test .”
Then the devil took him up to a very high mountain,
and showed him all the kingdoms of the world in their magnificence,
and he said to him, “All these I shall give to you,
if you will prostrate yourself and worship me.”
At this, Jesus said to him,
“Get away, Satan!
It is written:
The Lord, your God, shall you worship
and him alone shall you serve. ”

Then the devil left him and, behold,
angels came and ministered to him.

Tinukso ng Diyablo si Jesus

Mateo 4:1-11

Nang magkagayon, pinatnubayan ng Banal na Espiritu si Jesus sa ilang upang tuksuhin ng diyablo. Nang siya ay makapag-ayuno na ng apatnapung araw at apatnapung gabi, nagutom siya. Lumapit ang manunukso sa kaniya at sinabi: Yamang ikaw ang Anak ng Diyos, sabihin mo sa mga batong ito na maging tinapay.

Sumagot si Jesus sa kaniya, na sinasabi: Nasusulat:
Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salitang namumutawi sa bibig ng Diyos.

Nang magkagayon, dinala siya ng diyablo sa banal na lungsod. Pinatayo siya sa taluktok ng templo. Sinabi ng diyablo sa kaniya: Yamang ikaw ang Anak ng Diyos, tumalon ka sapagkat nasusulat:
Uutusan niya ang kaniyang mga anghel patungkol sa iyo. Bubuhatin ka at dadalhin ka ng kanilang mga kamay upang hindi tumama ang iyong paa sa bato.

Sinabi sa kaniya ni Jesus: Nasusulat din naman:  Huwag mong subukin ang Panginoon mong Diyos.

Muli siyang dinala ng diyablo sa isang napakataas na bundok. Ipinakita sa kaniya ang lahat ng paghahari sa sanlibutan at ang kaluwalhatian nito. Sinabi ng diyablo sa kaniya: Lahat ng mga bagay na iyon ay ibibigay ko sa iyo kung magpatirapa ka at sambahin ako.

Nang magkagayon, sinabi ni Jesus sa kaniya: Lumayo ka, Satanas, sapagkat nasusulat:

Sambahin mo ang Panginoon mong Diyos at siya lamang ang iyong paglingkuran.

Nang magkagayon, iniwan siya ng diyablo. Narito, dumating ang mga anghel at naglingkod sa kaniya.

Giving to the Needy

Matthew 6:1-6, 16-18

Jesus said to his disciples:
“Take care not to perform righteous deeds
in order that people may see them;
otherwise, you will have no recompense from your heavenly Father.
When you give alms,
do not blow a trumpet before you,
as the hypocrites do in the synagogues and in the streets
to win the praise of others.
Amen, I say to you,
they have received their reward.
But when you give alms, do not let your left hand know what your right is doing,so that your almsgiving may be secret.
And your Father who sees in secret will repay you.

“When you pray,
do not be like the hypocrites, who love to stand and pray in the synagogues and on street corners so that others may see them. Amen, I say to you,they have received their reward.
But when you pray, go to your inner room,
close the door, and pray to your Father in secret.
And your Father who sees in secret will repay you.

“When you fast, do not look gloomy like the hypocrites.
They neglect their appearance, so that they may appear to others to be fasting. Amen, I say to you, they have received their reward. But when you fast, anoint your head and wash your face, so that you may not appear to be fasting,except to your Father who is hidden. And your Father who sees what is hidden will repay you.”

Ang Pagtulong sa Nangangailangan

Mateo 6:1-6, 16-18

Mag-ingat kayo na huwag gawing pakitang-tao lamang ang inyong pamamahagi sa mga kahabag-habag. Kung magkagayon ay hindi kayo tatanggap ng gantimpala sa inyong Ama sa langit.

Kaya nga, kapag ikaw ay namamahagi sa mga kahabag-habag, huwag mong hipan ang trumpeta na nasa harap mo, gaya ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw sa mga sinagoga at sa mga daan. Ginagawa nila ito upang sila ay luwalhatiin ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Tinanggap na nila ang kanilang gantimpala.

Kung mamahagi ka sa mga kahabag-habag, huwag mo nang ipaalam sa iyong kaliwang kamay kung ano ang ginagawa ng iyong kanang kamay. Sa gayon, maililihim ang iyong pamamahagi sa mga kahabag-habag. Ang iyong Ama na nakakakita sa lihim ay magbibigay ng gantimpala sa iyo nang hayagan.

 Kapag ikaw ay mananalangin, huwag mong tularan ang mga mapagpaimbabaw. Ito ay sapagkat gustong-gusto nilang manalangin habang nakatayo sa mga sinagoga at sa mga panulukang-daan upang makita sila ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kung ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid. Kapag naisara mo na ang pinto, manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim. Ang iyong Ama na nakakakita sa lihim ang magbibigay sa iyo ng gantimpala nang hayagan.

 Kapag kayo ay mag-aayuno, huwag ninyong tularan ang mga mapagpaimbabaw na pinapalungkot ang kanilang mukha. Ito ay sapagkat pinasasama nila ang anyo ng kanilang mga mukha upang makita ng mga tao na sila ay nag-aayuno. Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kung mag-aayuno ka, langisan mo ang iyong ulo at maghilamos ka ng iyong mukha. Sa ganoon, hindi makikita ng mga tao na nag-aayuno ka kundi ng iyong Ama na nasa lihim. Ang iyong Ama na nakakakita sa lihim ang magbibigay sa iyo ng gantimpala nang hayagan.

You cannot serve God and Mammon

Matthew 6:24-34

Jesus said to his disciples:
“No one can serve two masters. He will either hate one and love the other,or be devoted to one and despise the other.You cannot serve God and mammon.

“Therefore I tell you, do not worry about your life, what you will eat or drink, or about your body, what you will wear. Is not life more than food and the body more than clothing? Look at the birds in the sky; they do not sow or reap, they gather nothing into barns, yet your heavenly Father feeds them. Are not you more important than they? Can any of you by worrying add a single moment to your life-span? Why are you anxious about clothes? Learn from the way the wild flowers grow. They do not work or spin. But I tell you that not even Solomon in all his splendor was clothed like one of them. If God so clothes the grass of the field, which grows today and is thrown into the oven tomorrow, will he not much more provide for you, O you of little faith? So do not worry and say, ‘What are we to eat?’ or ‘What are we to drink?’ or ‘What are we to wear?’
All these things the pagans seek. Your heavenly Father knows that you need them all. But seek first the Kingdom of God and his righteousness, and all these things will be given you besides. Do not worry about tomorrow; tomorrow will take care of itself. Sufficient for a day is its own evil.”

Hindi kayo makapaglilingkod sa Diyos at sa kayamanan.

Mateo 6:24-34

Walang taong makapaglilingkod sa dalawang panginoon sapagkat maaaring kapootan niya ang isa at ibigin ang ikalawa. Maaaring maging tapat siya sa isa at pawalang-halaga ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod sa Diyos at sa kayamanan.

 Dahil dito, sinasabi ko sa inyo: Huwag kayong mabalisa sa inyong buhay kung ano ang inyong kakainin, o iinumin, o kung ano ang inyong daramtin. Hindi ba ang buhay ay higit pa sa pagkain at ang katawan ay higit pa sa damit? Tingnan ninyo ang mga ibon sa himpapawid. Hindi sila naghahasik, ni gumagapas, ni nag-iipon sa mga bangan, ngunit pinakakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba lalo kayong higit na mahalaga kaysa sa kanila? Sino sa inyo na sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang siko sa kaniyang tangkad?

Bakit kayo nababalisa patungkol sa damit? Masdan ninyo ang mga liryo sa parang kung paano sila lumalaki. Hindi sila gumagawa, ni humahabi man. Ngunit sinasabi ko sa inyo: Kahit si Solomon, sa lahat ng kaniyang kaluwalhatian, ay hindi nakapaggayak katulad ng isa sa mga ito. Dinaramtan ng Diyos ang damo sa parang, na ngayon ay buhay at bukas ay susunugin. Kung dinaramtan niya ang damo sa ganoong paraan, hindi ba niya kayo daramtan, kayong maliliit ang pananampalataya? Kaya nga, huwag kayong mabalisa at inyong sasabihin: Ano ang aming kakainin, ano ang aming iinumin at ano ang aming daramtin? Ang mga bagay na ito ay mahigpit na hinahangad ng mga Gentil. Alam ng inyong Ama na nasa langit na kinakailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito. Ngunit hanapin muna ninyo ang paghahari ng Diyos at ang kaniyang katuwiran, at ang lahat ng mga bagay na ito ay idaragdag sa inyo. Huwag nga kayong mabalisa patungkol sa kinabukasan sapagkat ang kinabukasan ang mababalisa sa kaniyang sarili. Sapat na sa bawat araw ang kasamaan nito.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: