Feeds:
Posts
Comments

Archive for the ‘COMPASSION’ Category

Giving to the Needy

Matthew 6:1-6, 16-18

Jesus said to his disciples:
“Take care not to perform righteous deeds
in order that people may see them;
otherwise, you will have no recompense from your heavenly Father.
When you give alms,
do not blow a trumpet before you,
as the hypocrites do in the synagogues and in the streets
to win the praise of others.
Amen, I say to you,
they have received their reward.
But when you give alms, do not let your left hand know what your right is doing,so that your almsgiving may be secret.
And your Father who sees in secret will repay you.

“When you pray,
do not be like the hypocrites, who love to stand and pray in the synagogues and on street corners so that others may see them. Amen, I say to you,they have received their reward.
But when you pray, go to your inner room,
close the door, and pray to your Father in secret.
And your Father who sees in secret will repay you.

“When you fast, do not look gloomy like the hypocrites.
They neglect their appearance, so that they may appear to others to be fasting. Amen, I say to you, they have received their reward. But when you fast, anoint your head and wash your face, so that you may not appear to be fasting,except to your Father who is hidden. And your Father who sees what is hidden will repay you.”

Ang Pagtulong sa Nangangailangan

Mateo 6:1-6, 16-18

Mag-ingat kayo na huwag gawing pakitang-tao lamang ang inyong pamamahagi sa mga kahabag-habag. Kung magkagayon ay hindi kayo tatanggap ng gantimpala sa inyong Ama sa langit.

Kaya nga, kapag ikaw ay namamahagi sa mga kahabag-habag, huwag mong hipan ang trumpeta na nasa harap mo, gaya ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw sa mga sinagoga at sa mga daan. Ginagawa nila ito upang sila ay luwalhatiin ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Tinanggap na nila ang kanilang gantimpala.

Kung mamahagi ka sa mga kahabag-habag, huwag mo nang ipaalam sa iyong kaliwang kamay kung ano ang ginagawa ng iyong kanang kamay. Sa gayon, maililihim ang iyong pamamahagi sa mga kahabag-habag. Ang iyong Ama na nakakakita sa lihim ay magbibigay ng gantimpala sa iyo nang hayagan.

 Kapag ikaw ay mananalangin, huwag mong tularan ang mga mapagpaimbabaw. Ito ay sapagkat gustong-gusto nilang manalangin habang nakatayo sa mga sinagoga at sa mga panulukang-daan upang makita sila ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kung ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid. Kapag naisara mo na ang pinto, manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim. Ang iyong Ama na nakakakita sa lihim ang magbibigay sa iyo ng gantimpala nang hayagan.

 Kapag kayo ay mag-aayuno, huwag ninyong tularan ang mga mapagpaimbabaw na pinapalungkot ang kanilang mukha. Ito ay sapagkat pinasasama nila ang anyo ng kanilang mga mukha upang makita ng mga tao na sila ay nag-aayuno. Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kung mag-aayuno ka, langisan mo ang iyong ulo at maghilamos ka ng iyong mukha. Sa ganoon, hindi makikita ng mga tao na nag-aayuno ka kundi ng iyong Ama na nasa lihim. Ang iyong Ama na nakakakita sa lihim ang magbibigay sa iyo ng gantimpala nang hayagan.

Read Full Post »

The cleansing of a leper

Luke 5:12-16

It happened that there was a man full of leprosy in one of the towns where Jesus was; and when he saw Jesus, he fell prostrate, pleaded with him, and said,
“Lord, if you wish, you can make me clean.” Jesus stretched out his hand, touched him, and said, “I do will it. Be made clean.” And the leprosy left him immediately.

Then he ordered him not to tell anyone, but“Go, show yourself to the priest and offer for your cleansing what Moses prescribed; that will be proof for them.” The report about him spread all the more, and great crowds assembled to listen to him and to be cured of their ailments, but he would withdraw to deserted places to pray.

Nilinis ni Jesus ang Lalaking Ketongin

Lucas 5:12-16

 12Nangyari, nang siya ay nasa isang lungsod, narito, may isang lalaking puno ng ketong. Pagkakita niya kay Jesus, nagpatirapa siya. Ipinamanhik niya sa kaniya na sinasabi: Panginoon, kung ibig mo, malilinis mo ako.

 13Sa pag-unat ni Jesus ng kaniyang kamay, siya ay kaniyang hinipo, na sinasabi: Ibig ko, luminis ka. Kapagdaka ay nawala ang kaniyang ketong.

 14Iniutos ni Jesus sa kaniya: Huwag mo itong sabihin sa kaninuman. Iniutos niya: Yumaon ka at ipakita mo ang iyong sarili sa saserdote at maghandog ka para sa pagkalinis mo. Maghain ka ayon sa iniutos ni Moises bilang pagpapatotoo sa kanila.

15Lalo pang kumalat ang balita patungkol kay Jesus. Nagdatingan ang napakaraming mga tao upang makinig at upang mapagaling niya sa kanilang mga sakit. 16Ngunit pumunta siya sa ilang at nanalangin.

Read Full Post »

They all ate and were satisfied. 

Mark 6:34-44

When Jesus saw the vast crowd, his heart was moved with pity for them,for they were like sheep without a shepherd;and he began to teach them many things.
By now it was already late and his disciples approached him and said,
“This is a deserted place and it is already very late. Dismiss them so that they can go to the surrounding farms and villages and buy themselves something to eat.”
He said to them in reply,
“Give them some food yourselves.”
But they said to him,
“Are we to buy two hundred days’ wages worth of food                      
and give it to them to eat?”
He asked them, “How many loaves do you have? Go and see.”
And when they had found out they said,
“Five loaves and two fish.”
So he gave orders to have them sit down in groups on the green grass.
The people took their places in rows by hundreds and by fifties.
Then, taking the five loaves and the two fish and looking up to heaven, he said the blessing, broke the loaves, and gave them to his disciples to set before the people; he also divided the two fish among them all.They all ate and were satisfied. And they picked up twelve wicker baskets full of fragments and what was left of the fish. Those who ate of the loaves were five thousand men.

Nakakain silang lahat at nabusog

Marcos 6:34-44

Pagkalunsad ni Jesus, nakita niya ang napakaraming tao at nahabag siya sa kanila sapagkat sila ay parang mga tupang walang pastol. Sinimulan niyang turuan sila ng maraming bagay.

35Nang palubog na ang araw, lumapit kay Jesus ang kaniyang mga alagad. Kanilang sinabi: Ang lugar na ito ay ilang at gumagabi na. 36Paalisin ninyo ang mga tao upang pumunta sa mga karatig pook at nayon upang makabili sila ng kanilang makakain sapagkat sila ay walang makakain.

37Subalit sinabi ni Jesus sa kanila: Bigyan ninyo sila ng makakain.
At sinabi nila sa kaniya: Aalis ba kami at bibili ng halagang dalawang daang denariong tinapay at ipapakain sa kanila?

38At sinabi niya sa kanila: Ilang tinapay mayroon tayo? Lumakad kayo at tingnan ninyo.
Nang kanilang malaman sinabi nila: Limang tinapay at dalawang isda.

39Inutusan sila ni Jesus na paupuin nang pangkat-pangkat sa luntiang damo ang lahat ng mga tao.40Kayat sila ay umupo nang pangkat-pangkat na tig-iisangdaan at tiglilimampu. 41Nang kunin niya ang limang tinapay at dalawang isda, tumingin siya sa langit at pinagpala niya ito. Pinagputul-putol niya ang tinapay at ibinigay sa kaniyang mga alagad upang idulot naman nila sa mga tao. Gayundin, ipinamahagi niya sa kanilang lahat ang dalawang isda. 42Nakakain silang lahat at nabusog. 43Kanilang kinuha ang mga lumabis na pira-pirasong tinapay at isda, at nakapuno sila ng labindalawang bakol. 44Ang mga nakakain ng tinapay ay halos limang libong lalaki.

Read Full Post »

The Lost Sheep

Matthew 18:12-14

Jesus said to his disciples: ”What is your opinion?
If a man has a hundred sheep and one of them goes astray, will he not leave the ninety-nine in the hills
and go in search of the stray? And if he finds it, amen, I say to you, he rejoices more over it than over the ninety-nine that did not stray.

In just the same way, it is not the will of your heavenly Father that one of these little ones be lost.”

Ang Naligaw na Tupa

Mateo 18:12-14

12Ano sa palagay ninyo? Kung ang isang tao ay may isangdaang tupa at ang isa sa mga ito ay naligaw, hindi ba niya iiwanan ang siyamnapu’t siyam at aakyat sa mga bundok at hahanapin ang naligaw? 13Kapag natagpuan niya ito, sinasabi ko sa inyo ang totoo: Higit niyang ikagagalak ang patungkol sa natagpuang tupang naligaw kaysa sa siyamnapu’t siyam na hindi naligaw.

14Gayundin naman, hindi kalooban ng inyong Ama na nasa langit na mapahamak ang isa sa maliliit na ito.

Read Full Post »

The Parable of the Persistent Widow

Luke 18:1-8

Jesus told his disciples a parable about the necessity for them to pray always without becoming weary.
He said, “There was a judge in a certain town who neither feared God nor respected any human being.
And a widow in that town used to come to him and say,‘Render a just decision for me against my adversary.’ For a long time the judge was unwilling, but eventually he thought, ‘While it is true that I neither fear God nor respect any human being, because this widow keeps bothering me I shall deliver a just decision for her lest she finally come and strike me.’”

The Lord said, “Pay attention to what the dishonest judge says. Will not God then secure the rights of his chosen ones who call out to him day and night?

Will he be slow to answer them?
I tell you, he will see to it that justice is done for them speedily.
But when the Son of Man comes, will he find faith on earth?”

Ang Talinghaga Patungkol sa Matiyagang Balo

Lucas 18:1-8

Nagsabi si Jesus ng isang talinghaga sa kanila upang ipabatid sa kanila na kinakailangang manalangin lagi at huwag manghina. Sinabi niya: Sa isang lungsod ay may isang hukom. Hindi siya natatakot sa Diyos at hindi niya iginagalang ang tao. Sa lungsod na iyon ay may isang balo na laging nagpupunta sa kaniya. Sinasabi nito: Ipaghiganti mo ako sa aking kalaban.

Sa ilang panahon, ang hukom ay umayaw. Sa bandang huli, sinabi niya sa kaniyang sarili: Hindi ko kinatatakutan ang Diyos at wala akong iginagalang na tao. Ngunit ipaghihiganti ko ang balong ito, kung hindi, papagurin niya ako sa kaniyang patuloy na pagparito.

Sinabi ng Panginoon: Dinggin ninyo kung ano ang sinasabi ng di-makatarungang hukom. Hindi ba ipaghihiganti ng Diyos ang kaniyang mga pinili na dumaraing sa kaniya araw at gabi? Hindi ba siya mapagpasensiya ng lubos sa kanila? Sinasabi ko sa inyo: Agad niya silang ipaghihiganti. Magkagayunman, pagdating ng Anak ng Tao, makasumpong kaya siya ng pananampalataya sa lupa?

Read Full Post »

Your Faith has saved you, go in peace. 

Luke 7: 36-50

A certain Pharisee invited Jesus to dine with him,
and he entered the Pharisee’s house and reclined at table.
Now there was a sinful woman in the city
who learned that he was at table in the house of the Pharisee.
Bringing an alabaster flask of ointment,
she stood behind him at his feet weeping
and began to bathe his feet with her tears.
Then she wiped them with her hair,
kissed them, and anointed them with the ointment.
When the Pharisee who had invited him saw this he said to himself,
“If this man were a prophet,
he would know who and what sort of woman this is who is touching him,
that she is a sinner.”
Jesus said to him in reply,
“Simon, I have something to say to you.”
“Tell me, teacher,” he said.
“Two people were in debt to a certain creditor;
one owed five hundred days’ wages and the other owed fifty.
Since they were unable to repay the debt, he forgave it for both.
Which of them will love him more?”
Simon said in reply,
“The one, I suppose, whose larger debt was forgiven.”
He said to him, “You have judged rightly.”
Then he turned to the woman and said to Simon,
“Do you see this woman?
When I entered your house, you did not give me water for my feet,
but she has bathed them with her tears
and wiped them with her hair.
You did not give me a kiss,
but she has not ceased kissing my feet since the time I entered.
You did not anoint my head with oil,
but she anointed my feet with ointment.
So I tell you, her many sins have been forgiven;
hence, she has shown great love.
But the one to whom little is forgiven, loves little.”
He said to her, “Your sins are forgiven.”
The others at table said to themselves,
“Who is this who even forgives sins?”
But he said to the woman,
“Your faith has saved you; go in peace.”

Iniligtas ka ng iyong pananampalataya. Humayo kang payapa.

Lucas 7: 36-50

Isa sa mga Fariseo ang humiling na siya ay kumaing kasama niya. Pagpasok niya sa bahay ng Fariseo, siya ay dumulog sa hapag. 37 Narito, isang babaeng namuhay sa kasalanan ang nasa lungsod na iyon. Nalaman niya na si Jesus ay dumulog sa hapag, sa bahay ng Fariseo. Dahil dito, nagdala siya ng isang mabangong langis na nasa garapong alabastro.38 Tumayo siya sa likuran ni Jesus, sa kaniyang paanan. Siya ay umiiyak at sinimulan niyang basain ng kaniyang luha ang mga paa ni Jesus. Pinupunasan niya ng kaniyang buhok at taimtim na hinahagkan ang mga paa ni Jesus. Pinapahiran niya ito ng mabangong langis.

39 Nakita ito ng Fariseo na nag-anyaya kay Jesus. Siya ay nangusap sa kaniyang sarili. Kaniyang sinabi: Kung propeta ang taong ito, nalaman sana niya kung sino at anong uring babae ang humihipo sa kaniya sapagkat ang babaeng ito ay makasalanan.40 Sa pagsagot ni Jesus, sinabi sa kaniya: Simon may ilang bagay akong sasabihin sa iyo.

Sinabi niya: Guro, sabihin mo.41 Sinabi ni Jesus: May dalawang lalaking nangutang sa isang nagpapautang. Ang isa ay umutang ng limandaang denaryo, ang isa ay limampu. 42 Nang wala silang maibayad, kapwa sila pinatawad ng nagpautang sa kanila. Sabihin mo kung sino sa kanila ang iibig sa kaniya ng lubos?43 Sumagot si Simon: Sa palagay ko, ang pinatawad sa malaking pagkakautang.Sinabi ni Jesus sa kaniya: Tama ang iyong hatol.

44 Humarap siya sa babae. Sinabi niya kay Simon: Nakikita mo ba ang babaeng ito? Pumasok ako sa iyong bahay at hindi mo ako binigyan ng tubig para mahugasan ko ang aking paa. Ngunit binasa ng babaeng ito ang aking mga paa ng kaniyang luha. Pinunasan niya ito ng kaniyang buhok. 45 Hindi mo ako binigyan ng halik. Ngunit ang babaeng ito ay hindi huminto sa mataimtim na paghalik sa aking mga paa mula pa nang ako ay pumasok. 46 Hindi mo pinahiran ng langis ang aking ulo. Ngunit pinahiran niya ng mabangong langis ang aking mga paa. 47 Dahil dito, sinasabi ko sa iyo: Pinatawad na ang marami niyang kasalanan sapagkat siya ay umibig ng lubos. At ang pinatawad ng kaunti ay umiibig ng kaunti.

48 Sinabi niya sa babae: Ang iyong mga kasalanan ay pinatawad na.

49 At ang mga kasama niyang nakadulog sa hapag ay nagsimulang magsabi sa kanilang mga sarili. Sinabi nila: Sino ito na nagpapatawad ng mga kasalanan?

50 Sinabi niya sa babae: Iniligtas ka ng iyong pananampalataya. Humayo kang payapa.

Read Full Post »

Lost and Found

Luke 15:1-32 

“Tax collectors and sinners were all drawing near to listen to Jesus, but the Pharisees and scribes began to complain, saying, “This man welcomes sinners and eats with them.” So to them he addressed this parable. “What man among you having a hundred sheep and losing one of them would not leave the ninety-nine in the desert and go after the lost one until he finds it? And when he does find it, he sets it on his shoulders with great joy and, upon his arrival home, he calls together his friends and neighbors and says to them, ‘Rejoice with me because I have found my lost sheep.’ I tell you, in just the same way there will be more joy in heaven over one sinner who repents than over ninety-nine righteous people who have no need of repentance.

“Or what woman having ten coins and losing one would not light a lamp and sweep the house, searching carefully until she finds it? And when she does find it, she calls together her friends and neighbors and says to them, ‘Rejoice with me because I have found the coin that I lost.’ In just the same way, I tell you, there will be rejoicing among the angels of God over one sinner who repents.”

Then he said, “A man had two sons, and the younger son said to his father, ‘Father give me the share of your estate that should come to me.’ So the father divided the property between them. After a few days, the younger son collected all his belongings and set off to a distant country where he squandered his inheritance on a life of dissipation. When he had freely spent everything, a severe famine struck that country, and he found himself in dire need. So he hired himself out to one of the local citizens who sent him to his farm to tend the swine. And he longed to eat his fill of the pods on which the swine fed, but nobody gave him any. Coming to his senses he thought, ‘How many of my father’s hired workers have more than enough food to eat, but here am I, dying from hunger. I shall get up and go to my father and I shall say to him, “Father, I have sinned against heaven and against you. I no longer deserve to be called your son; treat me as you would treat one of your hired workers.”‘ So he got up and went back to his father. While he was still a long way off, his father caught sight of him, and was filled with compassion. He ran to his son, embraced him and kissed him. His son said to him, ‘Father, I have sinned against heaven and against you; I no longer deserve to be called your son.’ But his father ordered his servants, ‘Quickly bring the finest robe and put it on him; put a ring on his finger and sandals on his feet. Take the fattened calf and slaughter it. Then let us celebrate with a feast, because this son of mine was dead, and has come to life again; he was lost, and has been found.’ Then the celebration began.

Now the older son had been out in the field and, on his way back, as he neared the house, he heard the sound of music and dancing. He called one of the servants and asked what this might mean. The servant said to him, ‘Your brother has returned and your father has slaughtered the fattened calf because he has him back safe and sound.’ He became angry, and when he refused to enter the house, his father came out and pleaded with him. He said to his father in reply, ‘Look, all these years I served you and not once did I disobey your orders; yet you never gave me even a young goat to feast on with my friends. But when your son returns, who swallowed up your property with prostitutes, for him you slaughter the fattened calf.’ He said to him, ‘My son, you are here with me always; everything I have is yours. But now we must celebrate and rejoice, because your brother was dead and has come to life again; he was lost and has been found.’”

Nawala at muling nakita

Lucas 15:1-32

Ang lahat ng mga maniningil ng buwis at mga makasalanan ay lumalapit sa kaniya upang makinig. 2 Ang mga Fariseo at mga guro ng kautusan ay nagbulung-bulungan. Sinasabi nila: Tinatanggap nito ang mga makasalanan at kumakaing kasama nila.

3 Sinabi ni Jesus ang talinghagang ito sa kanila. 4 Sino sa inyo ang may isandaang tupa at nawala ang isa, hindi ba niya iiwanan ang siyamnapu’t siyam sa ilang at hanapin ang nawawalang tupa hanggang makita ito? 5 Kapag nakita niya, papasanin niya ito sa kaniyang balikat na nagagalak. 6 Pagdating niya sa bahay, tatawagin niyang sama-sama ang kaniyang mga kaibigan at mga kapit-bahay. Sasabihin niya sa kanila: Makigalak kayo sa akin sapagkat natagpuan ko na ang nawala kong tupa. 7 Sinasabi ko sa inyo: Sa gayunding paraan magkakaroon ng kagalakan sa langit sa isang makasalanang nagsisi. Ang kagalakang ito ay higit pa kaysa siyamnapu’t-siyam na mga matuwid na hindi kailangang magsisi.

8 O sino ngang babae ang may sampung pirasong pilak at mawala niya ang isa, hindi ba siya magsisindi ng ilawan at magwawalis sa bahay at maingat siyang maghahanap, hanggang makita niya ito? 9 Kapag nakita niya ito, tatawagin niya ang kaniyang mga kaibigan at kapit-bahay. Sasabihin niya: Makigalak kayo sa akin dahil nakita ko na ang aking pilak na nawala. 10 Sinasabi ko sa inyo: Sa gayunding paraan magkakaroon ng kagalakan sa harap ng mga anghel ng Diyos dahil sa isang makasalanang nagsisisi.

11 Sinabi niya: May isang lalaking may dalawang anak na lalaki. 12 Ang nakakabatang anak ay nagsabi sa kaniyang ama: Ama, ibigay mo sa akin ang bahagi ng mga ari-arian na nauukol sa akin. Binahagi ng ama sa kanila ang kaniyang kabuhayan.

13 Lumipas ang ilang araw, pagkatipon ng lahat ng sa kaniya, ang nakakabatang anak na lalaki ay umalis. Nagtungo siya sa isang malayong lupain at doon nilustay ang kaniyang ari-arian. Siya ay namuhay ng magulong pamumuhay. 14 Ngunit nang magugol na niya ang lahat, nagkaroon ng isang matinding taggutom sa lupaing iyon at nagsimula siyang mangailangan.15 Humayo siya at sumama sa isang mamamayan ng lupaing iyon. At siya ay sinugo niya sa mga bukirin upang magpakain ng mga baboy. 16 Mahigpit niyang hinangad na kumain ng mga bunga ng punong-kahoy[a] na ipinakakain sa mga baboy sapagkat walang sinumang nagbigay sa kaniya.

17 Nang manauli ang kaniyang kaisipan, sinabi niya: Ang aking ama ay maraming upahang utusan. Sagana sila sa tinapay samantalang ako ay namamatay dahil sa gutom. 18 Tatayo ako at pupunta ako sa aking ama. Sasabihin ko sa kaniya: Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa iyong paningin. 19 Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo. Gawin mo akong isa sa iyong mga upahang utusan. 20 Sa pagtayo niya, pumunta siya sa kaniyang ama, ngunit malayo pa siya ay nakita na siya ng kaniyang ama at ito ay nahabag sa kaniya. Ang ama ay tumakbo at niyakap at hinagkan siya.

21 Sinabi ng anak sa kaniya: Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa iyong paningin. Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo.22 Gayunman, sinabi ng ama sa kaniyang mga alipin: Dalhin ninyo ang pinakamainam na kasuotan at isuot ninyo sa kaniya. Magbigay kayo ng singsing para sa kaniyang kamay at panyapak para sa kaniyang mga paa. 23 Magdala kayo ng pinatabang guya at katayin ito. Tayo ay kakain at magsaya. 24 Ito ay sapagkat ang anak kong ito ay namatay at muling nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan. Sila ay nagsimulang magsaya.

25 At ang nakakatanda niyang anak ay nasa bukid. Nang siya ay dumarating at malapit na sa bahay, nakarinig siya ng tugtugin at sayawan. 26 Tinawag niya ang isa sa kaniyang mga lingkod. Tinanong niya kung ano ang ibig sabihin ng mga bagay na ito. 27 Sinabi ng lingkod sa kaniya: Dumating ang kapatid mo. Nagpakatay ng pinatabang guya ang iyong ama sapagkat ang kapatid mo ay natanggap niyang ligtas at malusog.

28 Nagalit siya at ayaw niyang pumasok. Dahil dito lumabas ang kaniyang ama at namanhik sa kaniya. 29 Sumagot siya sa kaniyang ama. Sinabi niya: Narito, naglingkod ako sa iyo ng maraming taon. Kahit minsan ay hindi ako sumalangsang sa iyong utos. Kahit minsan ay hindi mo ako binigyan ng maliit na kambing upang makipagsaya akong kasama ng aking mga kaibigan. 30 Nang dumating itong anak mo, nagpakatay ka para sa kaniya ng pinatabang guya. Siya ang nag-aksaya ng iyong kabuhayan kasama ng mga patutot.

31 Sinabi ng ama sa kaniya: Anak, lagi kitang kasama at lahat ng akin ay sa iyo. 32 Ang magsaya at magalak ay kailangan sapagkat ang kapatid mong ito ay namatay at muling nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan.

Read Full Post »

Older Posts »

%d bloggers like this: