Feeds:
Posts
Comments

Posts Tagged ‘i am the resurrection and the life’

John 11:3-7,  20-27, 33B-45

The sisters of Lazarus sent word to Jesus, saying,
“Master, the one you love is ill.”
When Jesus heard this he said,
“This illness is not to end in death,
but is for the glory of God,
that the Son of God may be glorified through it.”
Now Jesus loved Martha and her sister and Lazarus.
So when he heard that he was ill,
he remained for two days in the place where he was.
Then after this he said to his disciples,
“Let us go back to Judea.”

When Jesus arrived, he found that Lazarus
had already been in the tomb for four days.
When Martha heard that Jesus was coming,
she went to meet him;
but Mary sat at home.
Martha said to Jesus,
“Lord, if you had been here,
my brother would not have died.
But even now I know that whatever you ask of God,
God will give you.”
Jesus said to her,
“Your brother will rise.”
Martha said,
“I know he will rise,
in the resurrection on the last day.”
Jesus told her,
“I am the resurrection and the life;
whoever believes in me, even if he dies, will live,
and everyone who lives and believes in me will never die.
Do you believe this?”
She said to him, “Yes, Lord.
I have come to believe that you are the Christ, the Son of God,
the one who is coming into the world.”

He became perturbed and deeply troubled, and said,
“Where have you laid him?”
They said to him, “Sir, come and see.”
And Jesus wept.
So the Jews said, “See how he loved him.”
But some of them said,
“Could not the one who opened the eyes of the blind man
have done something so that this man would not have died?”

So Jesus, perturbed again, came to the tomb.
It was a cave, and a stone lay across it.
Jesus said, “Take away the stone.”
Martha, the dead man’s sister, said to him,
“Lord, by now there will be a stench;
he has been dead for four days.”
Jesus said to her,
“Did I not tell you that if you believe
you will see the glory of God?”
So they took away the stone.
And Jesus raised his eyes and said,
“Father, I thank you for hearing me.
I know that you always hear me;
but because of the crowd here I have said this,
that they may believe that you sent me.”
And when he had said this,
He cried out in a loud voice,
“Lazarus, come out!”
The dead man came out,
tied hand and foot with burial bands,
and his face was wrapped in a cloth.
So Jesus said to them,
“Untie him and let him go.”

Now many of the Jews who had come to Mary
and seen what he had done began to believe in him.

Juan 11:3-7,  20-27, 33B-45

Ang mga kapatid na babae ni Lazaro ay nag sugo upang sabihin kay Jesus: Panginoon, narito, si Lazaro na iyong minamahal ay maysakit.

Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya: Ang karamdamang ito ay hindi para sa layunin ng sa kamatayan kundi para sa kaluwalhatian ng Diyos. Sa gayon ang Anak ng Diyos ay maluwalhati sa pamamagitan nito. Si Marta at ang kaniyang kapatid na babae at si Lazaro ay inibig nga ni Jesus. Nang marinig nga niyang maysakit si Lazaro ay nanatili siya ng dalawang araw sa pook na kaniyang kinaroroonan.

Kaya pagkatapos nito ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad: Pumunta tayong muli sa Judea.

20 Pagkarinig ni Marta na si Jesus ay dumarating sinalubong niya siya. Si Maria ay nakaupo sa loob ng bahay.

21 Sinabi nga ni Marta kay Jesus: Panginoon, kung naririto ka sana ay hindi namatay ang aking kapatid. 22 Alam ko na kahit ngayon anuman ang hingin mo sa Diyos, ito ay ibibigay sa iyo ng Diyos.

23 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ang iyong kapatid ay muling babangon.

24 Sinabi ni Marta sa kaniya: Alam ko na siya ay muling babangon sa pagkabuhay na mag-uli sa huling araw.

25 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ako ang pagkabuhay na mag-uli at ang buhay. Siya na sumasampalataya sa akin bagamat siya ay mamamatay, siya ay mabubuhay. 26 Ang bawat isang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailanman. Sinasampalatayanan mo ba ito?

27 Sinabi niya sa kaniya: Opo, Panginoon. Sumasampalataya ako na ikaw ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos na darating sa sanlibutan.

33 Nakita ni Jesus na siya at ang mga Judiong sumama sa kaniya ay tumatangis. Siya ay namighati sa espiritu at naguluhan. 34 Sinabi niya: Saan ninyo siya inilagay?

Sinabi nila sa kaniya: Panginoon, halikayo at tingnan ninyo.

35 Si Jesus ay tumangis.

36 Sinabi nga ng mga Judio: Tingnan ninyo kung gaano niya siya kamahal.

37 Sinabi ng ilan sa kanila: Ang taong ito ang nagmulat ng mga mata ng bulag. Wala ba siyang magagawa upang hindi mamatay ang taong ito?

38 Si Jesus, na muling namighati ang kalooban, ay pumunta nga sa libingan. Ang libingan ay isang yungib na natatakpan ng bato. 39 Sinabi ni Jesus: Alisin ninyo ang bato.

Si Marta na kapatid ng namatay ay nagsabi sa kaniya: Panginoon, sa oras na ito ay mabaho na siya sapagkat apat na araw na siyang patay.

40 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Hindi ba sinabi ko sa iyo na kung ikaw ay sasampalataya, makikita mo ang kaluwalhatian ng Diyos?

41 Inalis nga nila ang bato sa dakong pinaglagyan nila ng patay. Tumingala si Jesus at nagsabi: Ama, pinapasalamatan kita na ako ay dininig mo. 42 Alam ko na ako ay lagi mong dinirinig. Sinabi ko ito alang-alang sa mga taong nakatayo sa paligid. Ito ay upang sila ay sumampalataya na ikaw ang nagsugo sa akin.

43 Nang masabi na niya ito, sumigaw siya ng may malakas na tinig: Lazaro, lumabas ka! 44 Lumabas ang patay. Ang kaniyang mga kamay at mga paa ay natatalian ng telang panlibing. Ang kaniyang mukha ay nababalot ng isang panyo.

Sinabi ni Jesus sa kanila: Kalagan ninyo siya at pabayaan siyang yumaon.

45 Marami nga sa mga Judio na pumunta kay Maria ang nakakita sa mga bagay na ginawa ni Jesus. Dahil dito, sila ay sumampalataya sa kaniya.

Read Full Post »

%d bloggers like this: