Feeds:
Posts
Comments

Posts Tagged ‘Jesus creates his team’

Jesus creates his team 

Matthew 4: 12-23

When Jesus heard that John had been arrested,
he withdrew to Galilee.
He left Nazareth and went to live in Capernaum by the sea,
in the region of Zebulun and Naphtali,
that what had been said through Isaiah the prophet
might be fulfilled:
Land of Zebulun and land of Naphtali,
the way to the sea, beyond the Jordan,
Galilee of the Gentiles,
the people who sit in darkness have seen a great light,
on those dwelling in a land overshadowed by death
light has arisen.
From that time on, Jesus began to preach and say,
“Repent, for the kingdom of heaven is at hand.”

As he was walking by the Sea of Galilee, he saw two brothers,
Simon who is called Peter, and his brother Andrew,
casting a net into the sea; they were fishermen.
He said to them,
“Come after me, and I will make you fishers of men.”
At once they left their nets and followed him.
He walked along from there and saw two other brothers,
James, the son of Zebedee, and his brother John.
They were in a boat, with their father Zebedee, mending their nets.
He called them, and immediately they left their boat and their father
and followed him.
He went around all of Galilee,
teaching in their synagogues, proclaiming the gospel of the kingdom,
and curing every disease and illness among the people.

Bumuo si Hesus ng kanyang mga alagad

Mateo 4: 12-23

12 Nang marinig ni Jesus na si Juan ay naibilanggo, pumunta siya sa Galilea. 13 Mula sa Nazaret ay pumunta siya sa Capernaum at doon nanirahan. Ito ay nasa tabi ng dagat, sa may hangganan ng Zebulon at Neftali. 14 Ginawa niya ito upang matupad ang inihula ni propeta Isaias na nagsabi:

15 Ang lupain ng Zebulon at ang lupain ng
Neftali, daanan sa gawing dagat sa ibayong
Jordan, Galilea ng mga Gentil. 16 Ang mga
taong nanahan sa kadiliman ay nakakita ng
dakilang liwanag. Sumikat ang ilaw sa kanila na
nanahan sa pook at lilim ng kamatayan.

17 Mula noon, nagsimulang mangaral si Jesus. Sinabi niya: Magsisi kayo sapagkat malapit na ang paghahari ng langit.

18 Habang si Jesus ay naglalakad sa tabi ng lawa ng Galilea, nakita niya ang magkapatid. Sila ay sina Simon na tinatawag na Pedro at ang nakakabata niyang kapatid na si Andres. Naghahagis sila ng lambat sa lawa sapagkat sila ay mga mangingisda. 19 Sinabi niya sa kanila: Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mamamalakaya ng mga tao. 20 Kaagad nilang iniwan ang kanilang mga lambat at sumunod sa kaniya.

21 Sa pagpapatuloy niya sa paglalakad, nakita niya ang magkapatid na Santiago at Juan. Sila ay nasa bangka at nag-aayos ng lambat kasama ang kanilang amang si Zebedeo. At tinawag sila ni Jesus. 22 Agad-agad nilang iniwan ang kanilang bangka at ang kanilang ama at sumunod sa kaniya.

23 Nilibot ni Jesus ang buong Galilea na nagtuturo sa mga sinagoga. Ipinangangaral niya ang ebanghelyo ng paghahari ng Diyos. Nagpagaling siya ng lahat ng uri ng sakit at panghihina ng katawan ng mga tao.

Advertisements

Read Full Post »

%d bloggers like this: