Feeds:
Posts
Comments

Archive for August 1st, 2011

Mateo 14:22-36

 22Pinasakay kaagad ni Jesus ang kaniyang mga alagad sa isang bangka. Pinauna niya sila sa kabilang ibayo, habang pinaaalis niya ang napakaraming tao. 23Nang makaalis na ang napakaraming tao, umahon siyang mag-isa sa bundok upang manalangin. Nang gumabi na, nag-iisa siya roon.  24Samantala, ang bangka ay nasa kalagitnaan na ng lawa na sinasalpok ng mga alon sapagkat pasalungat ang hangin sa kanila.  25Sa ikaapat na pagpupuyat ng gabi, pumaroon si Jesus sa kanila na naglalakad sa ibabaw ng lawa. 26Lubhang natakot ang mga alagad nang makita siya na naglalakad sa ibabaw ng lawa. Sinabi nila: Multo! At sumigaw sila dahil sa takot. 27Nagsalita kaagad si Jesus na sinabi sa kanila:

Lakasan ninyo ang inyong loob. Ako ito, huwag kayong matakot.    

 28Sumagot sa kaniya si Pedro: Panginoon, kung ikaw nga, hayaan mong makapariyan ako sa iyo sa ibabaw ng tubig.  29Sinabi niya: Halika. Pagkababa ni Pedro mula sa bangka, lumakad siya sa ibabaw ng tubig papunta kay Jesus. 30Ngunit nang makita niya ang malakas na hangin, natakot siya at nagsimulang lumubog. Sumigaw siya na sinasabi: Panginoon, sagipin mo ako.  31Kaagad na iniunat ni Jesus ang kaniyang kamay at hinawakan siya. Sinabi niya sa kaniya:

O, ikaw na maliit ang pananampalataya, bakit ka nag-aalinlangan?

 32Nang makasakay na sila sa bangka, tumigil ang hangin. 33Kaya ang mga nasa bangka ay lumapit at sumamba kay Jesus. Sinabi nila: Totoong ikaw nga ang Anak ng Diyos.

 34Nang makatawid na sila, dumating sila sa lupain ng Genezaret. 35Nang makilala siya ng mga tao sa dakong iyon, ipinamalita nila sa buong palibot ng lupaing iyon. Kaya dinala nila sa kaniya ang lahat ng mga maysakit. 36Ipinamanhik nila sa kaniya na ipahipo man lamang sa kanila ang laylayan ng kaniyang damit. At lahat ng humipo sa kaniyang damit ay pinagaling niya nang lubos.

Jesus Walks on Water

Matthew 14:22-36

Jesus made the disciples get into a boat and precede him to the other side of the sea, while he dismissed the crowds. After doing so, he went up on the mountain by himself to pray. When it was evening he was there alone. Meanwhile the boat, already a few miles offshore, was being tossed about by the waves, for the wind was against it. During the fourth watch of the night, he came toward them, walking on the sea. When the disciples saw him walking on the sea they were terrified. “It is a ghost,” they said, and they cried out in fear. At once Jesus spoke to them,

“Take courage, it is I; do not be afraid.”

Peter said to him in reply, “Lord, if it is you, command me to come to you on the water.” He said, “Come.” Peter got out of the boat and began to walk on the water toward Jesus. But when he saw how strong the wind was he became frightened; and, beginning to sink, he cried out, “Lord, save me!” Immediately Jesus stretched out his hand and caught him, and said to him,

“O you of little faith, why did you doubt?”

After they got into the boat, the wind died down. Those who were in the boat did him homage, saying, “Truly, you are the Son of God.” After making the crossing, they came to land at Gennesaret. When the men of that place recognized him, they sent word to all the surrounding country. People brought to him all those who were sick and begged him that they might touch only the tassel on his cloak, and as many as touched it were healed.

Read Full Post »