Feeds:
Posts
Comments

Archive for August 23rd, 2011

Mateo 23:23-26

23Sa aba ninyo, mga guro ng kautusan at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Ito ay sapagkat nagbabayad kayo ng ikasampung bahagi ng yerbabuena, anis at komino ngunit pinababayaan ninyo ang higit na mahalaga sa kautusan. Ito ay ang mga paghukom, habag at katapatan. Ang mga ito ang dapat ninyong gawin at huwag kaligtaan ang iba. 24Mga bulag na tagapag-akay! Sinasala ninyo ang lamok ngunit nilulunok ninyo ang kamelyo.

25Sa aba ninyo, mga guro ng kautusan at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Ito ay sapagkat nililinis ninyo ang labas ng saro at ng pinggan ngunit sa loob nito ay puno ng kasakiman at kawalan ng pagpipigil sa sarili. 26Kayong mga bulag na Fariseo! Linisin muna ninyo ang loob ng saro at ng pinggan upang maging malinis ang labas ng mga ito.

Weightier things

Matthew  23:23-26

Jesus said, “Woe to you, scribes and pharisees, you hypocrites. You pay tithes of mint and dill and cummin, and have neglected the weightier things of the law: Judgment and mercy and fidelity.

But these you should have done, without neglecting the others.

Blind guides, who strain out the gnat and swallow the camel!

“Woe to you, scribes and pharisees, you hypocrites. You cleanse the outside of cup and dish, but inside they are full of plunder and self-indulgence. Blind Pharisee, cleanse first the inside of the cup, so that the outside also may be clean.”

Read Full Post »

Luke 1: 26-38
In the sixth month, the angel Gabriel was sent from God to a town of Galilee called Nazareth,27to a virgin betrothed to a man named Joseph, of the house of David, and the virgin’s name was Mary.l28And coming to her, he said, “Hail, favored one! The Lord is with you.”m29But she was greatly troubled at what was said and pondered what sort of greeting this might be.30Then the angel said to her, “Do not be afraid, Mary, for you have found favor with God.31n Behold, you will conceive in your womb and bear a son, and you shall name him Jesus.
32o He will be great and will be called Son of the Most High,* and the Lord God will give him the throne of David his father,33and he will rule over the house of Jacob forever, and of his kingdom there will be no end.”p34But Mary said to the angel, “How can this be, since I have no relations with a man?”*35And the angel said to her in reply, “The holy Spirit will come upon you, and the power of the Most High will overshadow you.
Therefore the child to be born will be called holy, the Son of God.q36And behold, Elizabeth, your relative, has also conceived* a son in her old age, and this is the sixth month for her who was called barren;37for nothing will be impossible for God.”r38Mary said, “Behold, I am the handmaid of the Lord. May it be done to me according to your word.” Then the angel departed from her.
Ikaw ay magdadalang-tao at manganganak ng isang lalaki. 
Lucas 1:26-38
26Sa ika-anim na buwan, ang anghel na si Gabriel ay sinugo ng Diyos sa Nazaret, isang lungsod ng Galilea. 27Isinugo siya sa isang dalagang birhen na ipinagkasundong mapangasawa ng isang lalaking nagngangalang Jose. Si Jose ay mula sa angkan ni David, at ang pangalan ng dalagang birhen ay Maria. 28Paglapit ng anghel ay sinabi sa kaniya: Binabati kita, ikaw na kinalugdan. Ang Panginoon ay kasama mo. Kapuri-puri ka sa mga kababaihan. 29Nang makita ni Maria ang anghel, siya ay naguluhan sa kaniyang salita at pinag-isipan niya kung ano kayang uri ng bati ito. 30Sinabi ng anghel sa kaniya: Huwag kang matakot, Maria, sapagkat nakasumpong ka ng biyaya sa Diyos.31Narito, ikaw ay magdadalang-tao at manganganak ng isang lalaki. At ang ipapangalan mo sa kaniya ay Jesus. 32Siya ay magiging dakila at tatawagin siyang Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kaniya ng Panginoong Diyos ang trono ni David na kaniyang ninuno. 33Siya ay maghahari sa tahanan ni Jacob magpakailanman at ang kaniyang paghahari ay hindi magwawakas.

34Sinabi ni Maria sa anghel: Paano ito mangyayari yamang ako ay hindi nakakakilala ng isang lalaki?

 35Sumagot ang anghel at sinabi sa kaniya: Darating sa iyo ang Banal na Espiritu, at ang kapangyarihan ng Kataas-taasan ang lililim sa iyo. Dahil dito, ang banal na ito na iyong ipapanganak ay tatawaging Anak ng Diyos. 36Narito, ang pinsan mong si Elisabet ay nagdadalang-tao rin ng isang anak na lalaki sa kaniyang katandaan. Ito ngayon ang ika-anim na buwan ng kaniyang pagdadalang-tao, siya na tinatawag na baog. 37Ito ay sapagkat sa Diyos ay walang anumang bagay na hindi mangyayari.

38Sinabi ni Maria: Narito ang aliping babae ng Panginoon. Mangyari sa akin ang ayon sa iyong salita. At iniwan siya ng anghel.

Read Full Post »